Archive for November, 2006

title..heh walang maisip

Saturday, November 25th, 2006

11-24-06

heto ako ngayon, last subject na pero uwing uwi na ako. gusto ko pa naman ang subject na ito pati ung teacher pero dahil sa  kinewento niya tungkol sa E.K. at ang rason niya, seryoso, nababawan ako.

(natigil ang pagsusulat ko dahil makikinig muna ako sa lesson niya)

11-25-06

music: Furuba 1st ending song

ayan ikkwento ko na. sabi kasi niya ung lugar na kinatatayuan ng Enchanted Kingdom ay taniman dati. tapos binenta ng may ari  ung lote na ginawang EK kaya maraming magsasaka ang nawalan ng trabaho. kaya sabi ng teacher namin na kahit ilibre namin siya doon, hindi siya pupunta. diba ang babaw?

next track: driver’s high ng laruku

pwede namang maghanap ng ibang trabaho yung mga magsasaka diba? kung gusto nilang maging magsasaka parin edi maghanap sila ng ibang maghihire sa kanila. marami nun sa probinsiya palang. i have respect for farmers so don’t think i’m being mean here.

next track: GTO 2nd opening (bleap i 4got the title)

tapos nag joke pa siya ng wala ng mas kokorni pa. ano daw letter ang nawawala pag Christmas. kinakanta pa daw un sa isang Christmas song. Heto ito sagot, baka mabaliw ka pa kakaisip. "No..L, No.. L" gets? Noel daw grabe ang korni. may mas kokorni pa pala sakin. kornix talaga men.

next track:GTO 1st ending

kanina naglalaba ako (sige na may washing machine) sabi sakin ng tatay ko "ikaw ang pinaka masipag tapos teacher ka pa."     ~_~ naisip ko ‘masipag din naman ung mga iba kong mga kapatid in their own way. i’m just doing my laundry here (and sometime tidying up my room) but i won’t do it if someone else will.

next track: Get Backers 1st ending tapos 1st opening

siguro masipag ako (ung tinutukoy ni Papa) in the sense na kahit marami pa akong gagawin, ay nilalabahan ko parin mga damit ko at napapanatiling malinis (in my definition) ang kwarto ko. kasi ung kwarto ng kuya kong panganay ay parang binabalikbalikan ng bagyong milenyo samahan mo pa ng bagyong paeng. inaasa kasi niya sa asawa niya ang lahat ng paglilinis. dati hindi siya ganun, mas adik pa sa paglilinis dati un eh. naaawa naman ako sa sister-in-law ko kasi andami niyang gagawin tapos ung tindahan pa nila siya ang nagbabantay.

next track: getbackers 2nd opening

si ate joyce naman ang sumunod kay kuya ryan (ung kanina)  ay isang OT sa PGH. masipag siya sa trabaho niya pero hindi masyado sa chores…ahem…hindi talaga. pinapalaba niya kay lola bading ung scrubs niya. understandable naman kasi gabi na siya umuuwi ang pagod na  kaya hindi na niya kayang maglaba. si kuya jonan naman ang pangatlo at sinundan kong kapatid. inayos niya ung kwarto ng tito namin na naging kwarto na niya. ok un lang. magaling siyang tumugtog ng gitara, ok naman sa drums at pwede na sa keyboards. kaso bakit parang ayaw niya akong turuan? naman o. okay  elmo’s goal: learn how to play an instrument (triangle anyone?)

next track: 4th avenue cafe by laruku

Hep! Inanounce ng prof namin sa humanities na manonood kami ng play sa dec 9. ito ang exaktong reaksyon ko

‘Hmm Dec 9… Dec 9? ano nga ba meron sa Dec 9? ung bday ni Chris V? Hindi Dec 17 pa un… Dec 9…hmm.. Dec 9?… AH!!! DEC 9 !?! UPAME!!!’   nan laki mga mata ko. "bakit naman of all the dates Dec 9 pa!?"

next track: Morning Grace (Princess Tutu opening)

Hwahahaha bagay sa music na pinakikinggan ko ngayon. "The Nutcracker" kasi ung papanoorin naming ballet play, 5:00 pm at un nga Dec 9 sa Aliw Theatre. Php 250.00 ung ticket na may kasamang ride all you can na sa Star City.

wahenk

Monday, November 20th, 2006

hindi  maganda ang umaga ko kahapon becasue of a certain someone messing with my ponytail (green slippers kasi ung design deba so i guess people can’t help but play with it hehehe)

masaya naman ung hapon pagabi kasi naka "date" namin ni louanne si mam jeremie kasama si sir billy. more like epalog kami (lalo na ako) dahil akala ko sabay lang kami uuwi (diba lagi kong kasama si louanne) kaya nagulat at na shy ako nung nag SM pa. sa McDo kumain at nagusapusap. wahahaha benta ung mga kwento nila. hindi talaga malayo ang ugali namin sakanila (syempre bagong gradweyt palang naman sila noh ..nu kala mo?)  yesh at nakilala ko na si mam jeremie officially ^^ tapos nung nag beso cya nung alis na sila nahiya naman ako at wahenk oily pa yata face ko nun. naman oh kakahiya naman…

WaT i love

Friday, November 17th, 2006

gyaaa Teppei daisuki ^_^

meron nanaman akong bagong kinababaliwan. weee I love WaT sila si Wentz and Teppei. Sa mga hindi nakakaalam si Wentz ay ang gumanap na yuki sa isang episode ng gokusen 1 ung basketball weakling guy. and si Teppei my loves ay si Takeda ng Gokusen 2 woohoo. wahahaha parehas na weak ang characters nila sa gokusen ( hehe remember i like weaklings who have strong fighting spirit? they are no whiners!) wahahah i love teppei he is sooo uberly cute. Their tandem is soo funny. gyaa i’m a fangirl once again!

nandito ako ngayon sa bagong internet cafe ng Treasure’s Hunter (yep u read right) ang saya lalakarin lang!. sira parin computer namin sa bahay waaaa. 

i’d like to thank

Tuesday, November 14th, 2006

itong blog entry na ito ay dedicated sa aking dalawang magagaling na biology teachers. una ay si Ms. Mortel na nagturo sa kin ng biology nung 2nd year high school. siya ang paborito kong teacher nung 2nd year ako kasi bawat bio class ay masaya. Nakakatawa kasi kadalasan may isang magtatanong tapos ung topic palayo ng palayo na alam ko isang bese umabot na sa pag observe na tae (kung lulubog o lilitaw). naalala ko na sinabi niyo na kapag ang worm ay naputol ay ok lang kasi tutubo naman ung dulo nun. at tinanong ko kung pano kung nahati siya lengthwise? wahahaha ako ay bata pa nun ..patawarin sana. Nagawa niyang pasayahin at padaliin (in a way) ang isang mahirap na subject.Kaya naman hindi ako gano nahirapan sa college biology dahil matatag ang pundasyon na ginawa ni Ms. Mortel at dahil narin sa aking mahiwagang notebook na buhay pa.  kaya nga na devastate ako ng nalaman kong hindi na siya nagtuturo at nag call center nalang. sana pansamantala lang iyon dahil kailangan ng mga magagaling na guro katulod ninyo. hindi ako nagbibiro. pramis. salamat po ng marami ^__^ teka nga hahanapin ko siya sa friendster…hehehe hindi ko pa siya naadd kahit dati ko pa siyang hinahanap todits… oo nga sakanya ko rin nakuha ang ugaling kagalitan ang styro. heheh NO to STYRO, NO to CFC!

sunod naman ay si Sir Billy (opkors sino pa ba? wahehehe) nagpapasalamat ako at naging guro ko kayo kahit isang sem lang. muntik ngang hindi dahil si Prof. Hojilla talaga ang naassign samin. hinding hindi ko makakalimutan ung unang araw na pagpasok niyo sa classroom/lab at ang session na iyon na talaga namang makakapagpataas ng kilay (kung kaya ko hehehe). Hanga ako sa galing ninyong magturo lahat na yata ng itinapong tanong ay nasagot ninyo… maliban nalang sa mga tanong gaya ng "sir magna po ba kayo o suma?" at "diba sir kayo ung top 4 ..o 5 sa LET?" Kayo lang ang teacher na nakilala ko na hindi talaga sinasabi ang mga achievements. nabubuking naman kasi sa mga banner of congratulations na nakasabit.

sa inyong dalawa akoy nagpapasalamat. kung hindi dahil sa inyo hindi ako makakakuha ng mahiwagang marka na akala ko sa hanggang panaginip lang maaabot. maraming salamat po  *bow*

scarier than Sadako, creepier than Kayako

Sunday, November 5th, 2006

nothing beats a near death experience of a close relative and in your face 2 inches away from the almost corpse of a close relative. i don’t think i’d ever forget this horrifying event (though i’d like to very much, and is also why i would never reread this blog entry). It was yesterday, my cousin Nini and i were watching Pretty Cure (this kawaii shojou anime on Hero) at our grandma;s room which is almost immediately infront of the living room if the bathroom wasn’t there (ahem going back). Suddenly my cousin Paeg came burstin in the room but stopped suddenly and we heard peeple screaming from outside. I asked "Bakit?" and Paeng said "Si kuya Harvey" and so immediately Nini and I rushed to the living room. We know that when someone says "Si Harvey" in a rushed  terrified manner it could only mean my cousin Harvey is having another convulsion attack. When i got there (in what 2 seconds?) My relatives were screaming "Harvey Harvey!!" at my cousin who was still seated infront of the mah jong table convulsing. He was really shaking madly, eyes half closed, his mouth was frozen and an orange slime was almost coming out, he was making eerie noises like he was choking or being possesed. He was turning blue by the second!Tito Vic was holding shut his mouth so he wouln’t bite his tongue. i rushed back into the room and looked for a piece of wood… i found a brush…that was not used but not vry clean either. He made harvey bite Junior’s cellphone instead. We were all panicking which was the number one No no in these events. Then someone said "Ihiga niyo siya!" So Ate Joyce and Kuya Ryan (my older siblings) layed the shaking harvey on the sala floor, as they did something crashed (my mom’s glass thingy a few feet  away, but no one minded of course). Harvey’s attack was slowing down but he was now in a very dark color of blue.. an almost black shade. Tita offie was massaging his frozen legs and Nini immediately held a small electric fan on to harvey’s face. My mind was racing, it was saying ‘Shit! not like this, not now! do it! do it! you learned it in your first year, do it! he is going to die!’ when harvey stopped moving you could almost hear an imaginary toooooot the device hospitals have that indicate the pulse rate of the patient and a long toot sound means no pulse or d**th. Then i just did CPR or what i remembered of it. my pumpings didn’t help much since harvey was really thick. Kuya Ryan took over but he pumped near the stomach so i said "dito" and pointed at harvey’s heart. I told ate joyce "hingan mo!" because i really can’t bring myself to do AR to harvey’s black lips with orange slime. "wag mong i pump kapag hihingahan na ni ate joyce" i told kuya ryan. after i think 3 cycles harvey was already breathing on his own and color came rushing back to his face. we were all relived. We moved him to his side so he could spit out what was in his mouth. Then after that he slept for a couple of minutes on the floor. This they said was the effect of a convulsion, a very tired harvey and a bunch of faint relatives. When he finally got the strength to stand he went to the bathroom to pee (which he said he had no recollection of) and finally went into lola’s room to sleep. i stayed with him for a couple of minutes still shaken. I looked at the clock… it was 10:50 ..it all happened for only about 10 minutes… 10 horrifying minutes…. i said a short thank you prayer … these things really make you thankful for every single moment of your life. i swear i felt death lurking during those 10 minutes and even until i fell asleep that night. yesterday was also the day i asked my dad to hang up my acrylic painting of Death of the Endless on my bedroom wall. I tried to avoid looking at it after that ordeal… i know it had nothing to do with what happened. Oh yeah the real reason was because he lacked sleep for the past couple of days. poor julia (my 1 year old godchild) i think she was traumatized by what happened because she saw harvey from the begining of his attack. She cries immediately when Robin (another cousin of mine) fakes an attack. Ate joyce was asking for her 5 pesos from Harvey when it happened. @_@

later that afternoon we watched our old VHS tapes… it was fun watching ourselves when we were small.. but creepy watching some of the people in the tapes who are already dead now.

hapi hapi

Wednesday, November 1st, 2006

bwahahaha grabe nung saturday ano nga bang date nun… oct. 28 ayun! wahahaa kasama ko si My at si Riza mag arcade sa megamall. para kaming mga baliw at nagwawala kami dun. si riza na huli ng dating hmm mga past 3 na siya nakarating at ng dumating na siya nahuli pa ako eksaktong kumakanta sa karaoke ng my heart will go on ni celine dion. wahahaha nababaliw nakami ni My dun sa karaoke wahahaha isa pangang careless whisper riza! si My ang galing laging 100! Ako nasa line of 9 lang kahit wala sa tono.. thank you karaoke machine u didn’t hurt my feelings ^__^ buti hindi ka nasira @_@  ayun pagkatapos nun naglaro kami ng hindi ko alam kung anong tawag pero ung para siyang drums. kagaya siya nung kapag may Chinese or Japanese festival na may nagddrums na malaki. grabe kapagod  yun. nagganun din kami ng pinsan ko bago kami umuwi so the next day ang sakit ng braso ko sobra. ay bago pangapala dumating si riza trny namin ni My ung sa banda likod ung quiz thinggy. bago lang din kasi un so hindi ko pa alam masyado. waaa My beat the crap out of me @_@ Hmm dun ko talaga narealize na filipinos love game shows kasi nung pumunta kami dun walang mga spectators at players pero nung naglaro na kami hala na dumami na ung mga tao sa likod na nanonood. nakakaconscious at sobrang nakakahiya kasi malimali sagot ko hmm mga dalawa lang ung siguradong sagot ko nun eh wahenk.

napanood ko sa lifestyle network ung kung pano inagawa ng mga ibang countries ung special products nila (hindi pagkain ha) grabe na ispire ako dun sa glassmaking ng Italy… nakatulala nalang ako at malapit nang magnosebleed … i dunno pero parang ang romantic ng paggawa nila ng glass figurines… imaginin mo binibigyan ka ng crush/lover mo ng figurine na ginawa nya mismo para lang sayo ^__^ wahahhaay ang sweet may trail of ants na. Basta pag may sarili na akong bahay mag ttrip around the world ako (ok magiipon na ako) ang i’ll go to the places kung saan sila gumagawa ng mga kilalang products ng places na un and dun ko sa bahay ko iddesplay/use ung mga souvenirs.

nag trick or treat ung mga pinsan ko sa Forbes Park and Dasmarinas (village) ba un? grabe ang mga nakatira dun mga ambassador at kung anoano pang mga big time people. nakakatawa kasi hapon ang trick or treat dun diba dpat gabi? dun lang ako sa car at kinakain ang mga candy nilang nakukuha *evil laugh* kasi naman noh kung kelan naging 18n chaka mag ttrick or treat. pero sige next year sasama na ako hmm ah! ako si yankumi! or si sadako! or si picachu sige! wahahhaaha

o sige may klase pa ako sasusunod nalang…