i’d like to thank

itong blog entry na ito ay dedicated sa aking dalawang magagaling na biology teachers. una ay si Ms. Mortel na nagturo sa kin ng biology nung 2nd year high school. siya ang paborito kong teacher nung 2nd year ako kasi bawat bio class ay masaya. Nakakatawa kasi kadalasan may isang magtatanong tapos ung topic palayo ng palayo na alam ko isang bese umabot na sa pag observe na tae (kung lulubog o lilitaw). naalala ko na sinabi niyo na kapag ang worm ay naputol ay ok lang kasi tutubo naman ung dulo nun. at tinanong ko kung pano kung nahati siya lengthwise? wahahaha ako ay bata pa nun ..patawarin sana. Nagawa niyang pasayahin at padaliin (in a way) ang isang mahirap na subject.Kaya naman hindi ako gano nahirapan sa college biology dahil matatag ang pundasyon na ginawa ni Ms. Mortel at dahil narin sa aking mahiwagang notebook na buhay pa.  kaya nga na devastate ako ng nalaman kong hindi na siya nagtuturo at nag call center nalang. sana pansamantala lang iyon dahil kailangan ng mga magagaling na guro katulod ninyo. hindi ako nagbibiro. pramis. salamat po ng marami ^__^ teka nga hahanapin ko siya sa friendster…hehehe hindi ko pa siya naadd kahit dati ko pa siyang hinahanap todits… oo nga sakanya ko rin nakuha ang ugaling kagalitan ang styro. heheh NO to STYRO, NO to CFC!

sunod naman ay si Sir Billy (opkors sino pa ba? wahehehe) nagpapasalamat ako at naging guro ko kayo kahit isang sem lang. muntik ngang hindi dahil si Prof. Hojilla talaga ang naassign samin. hinding hindi ko makakalimutan ung unang araw na pagpasok niyo sa classroom/lab at ang session na iyon na talaga namang makakapagpataas ng kilay (kung kaya ko hehehe). Hanga ako sa galing ninyong magturo lahat na yata ng itinapong tanong ay nasagot ninyo… maliban nalang sa mga tanong gaya ng "sir magna po ba kayo o suma?" at "diba sir kayo ung top 4 ..o 5 sa LET?" Kayo lang ang teacher na nakilala ko na hindi talaga sinasabi ang mga achievements. nabubuking naman kasi sa mga banner of congratulations na nakasabit.

sa inyong dalawa akoy nagpapasalamat. kung hindi dahil sa inyo hindi ako makakakuha ng mahiwagang marka na akala ko sa hanggang panaginip lang maaabot. maraming salamat po  *bow*

5 Responses to “i’d like to thank”

  1. Louanne Says:

    “Marmaing salamat po +bow+”-ano yung bow..as in SIR.BAU?..oo na..corny..XD
    +++
    mahiwagang notebook sa bio yung time ni ms.mortel..anong history non at baket siya naging mahiwaga???
    +++
    Makaiba kasi tayo ng teacher sa bio yung 2nd year tayo kasi ms.tumibay ako actrually adviser ko siya yung second year..pero ang palaging nakukwento sa akin ng mga naging students ni ms. mortel ay tungkol don sa pagdidisect ng palaka..:)..

  2. elmo Says:

    heh louanne korni anong bou kajan. bow nga eh hindi bau.
    ung notebook kong mahiwaga kasi sobrang nagamit ko siya last sem. na save ako nun .. ung fluid mosaic at iba pang mga tanong ni sir billy nandun ang mga sagot. o diba mahiwaga? hehehe di ko nafeel ung pagddissect kasi ang ginawa ko lang dun ay ung pag kuha nung palaka sa lalagyan. and take not.. nagmmate pa un. so parang tinigil ko ang kanilang mating. wahahaha

  3. Louanne Says:

    nagmamate na palaka..XD..ako yung dissection ayaw akong piliin ni ms.tumibay..yung pinipili niyang hahawak don sa palaka yung mga halatang takot..pero ayon..kapag di na lang siya nakatigin ako na yung humahawak at naghati dun sa palaka..besides sa palaka nakawitness na rin ako na dinidisect na pusa inuwi kasi ni ate yo yung sa bahay eh..:
    +++
    in fairness nagamit ko rin ang aking notebook kaya lang natatawa ako kasi yung likod nung notebook ko puro notes tungkol sa Asian History tapos may pangalan ng mga past crushes ko..;)

  4. 'riza-jiro' Says:

    wah mag didissect ako ng froggy soon!

    uy yesh naman of course, thanks to st. paul and it’s wonderful teachers :D laking ms. mortel. at ngayon, laking sir billy naman :D

  5. elmo Says:

    haha riza alam mo pa ba pinangalan namin sa froggy namin ni kasan nung nagdissect kami? Ralph! wahaha in memory of u know who (ralph nga eh… anu ba un parang patay na.. hindi pa..naman) wahenk
    odiba ang galing ng combination Ms. mortel at Sir. billy sa bio. kung hindi ka pa ba naman pumasa nyan.

Leave a Reply