Archive for December, 2006

pwede

Wednesday, December 20th, 2006

haay kakatawa at creepy ang araw na itoh

sabay kami ni louanne nag paregister para dun sa voter’s id. weird ka eh kasi dapat si louanne sa san mateo yan, eh since may bahay naman sila dito sa pasig at dito nakaregister ung mom niya and siblings dito narin siya sa pasig boboto. kasama namin ang aming mga maders ^^ . nauna ako kay louanne mag fill up ng form at magsubmit. siguro 20 mins bago sila dumating kasi un. kaso nung nagiintay kaming tawagin ayun nauna pa siya. huwat?! nung tinanong namin kung bakit ganun sabi daw kasi may precinct number na si louanne kasi dala ng mom niya ung voter’s id (nung mom niya) so ayun buti nalang dala ni mama ung copy ng voter’s id ng ate ko so ako na ung sunod hehehe. kakaaliw kasi ung scanner ng fingerprints dun wahehehe. tapos nung pipicturan ako aba tatlong beses. kasi ung una hindi na iadjust nung babae dun. ung pangalawa muka akong bangag kaya hinayaang ulitin (also because nandun ung nanay ko sa likod..natakot yata ung babae dun ehehe) ayun so dun sa pangatlo ayan todo smile naman ^___^ wahehehe. so ngayon feel na feel ko na ang aking pagiging 18 kasi pwede na akong mag vote ^__^ syempre kikilatisin ko muna ung lahat ng candidates para responsible voter akish

ngayon akoy nandito sa internet cafe na malapit samin at si louanne nasa megamall (kanikanina) at aming natuklasan ang isang creeping bagay. may gumamit ng picture ko sa isang account sa friendster. ang pangalan niya ay kapoint. ang theory ko: nagtry gumawa ng friendster account si mr. kapoint at nagamit niya ung comp na pinagsave-an ko ng pics bago ko iupload (sa aking sariling account) at dahil wala siyang sariling pic niya, ayun hiniram ang aking mukha. aba namili pa! hindi ung unang pic dun eh, medjo gitna pa nga ung pic na ginamit niya eh >.< … basta buburahin ko na ung pics dun sa comp na un.

oo nga pala ang kinababaliwan ko ngayon ay ang koreanovela na Princess Hours weeee kilig mode ulit ^__^ at least medjo may konting fresh ideas dito. anu ba un ok lang dun sa prince ung idea na fixed marriage. kasi daw boring daw ang kanyang buhay kaya siguro magiging masaya kung magpapakasal siya sa isang babaeng hindi nababagay sa palace..someone who has lived in a totally different background.

3 in 1 … kape?

Friday, December 15th, 2006

kyaaaaaaa hapi mode ^__^ woot happiness

grabe tatlo silang nakita ko sa araw na ito december 15, 2006 friday ^__^

una si sarah: nung papunta kami nila louanne sa MB kasi kala namin dun kami mag sa-pscyh.. ayun nakasalubong namin siya with a band of other people wearing red. so hindi pala siya english major (bakit ko nga bang nasabing english major un..dunno) ayun nalaman ko ngayon na biology major pla siya.. kyaaa ang saya saya ko kasi nung nakita ko siya last ay nung monday pa nung sa library.. nung monday ko rin nga pala nalaman kung anong buong pangalan nya at unang nakita ang kanyang friendster. hindi niyo maiimagine ang saya ko ^__^ buong week ko siyang gustong makita at ayan nagpakita rin ^__^

sunod si masai: syempre makikita ko siya kasi may subject kaming *aherm* ngayon eh. ano kayang grade binigay nun sakin? nag report kasi ako kanina at ang gulo ko. pero sabi naman ng mga classm8s ko ok naman. salamat.. kahit sinasabi niyo lang at baka sa totoo hindi naman. @__@ sana ngalang totoo at may naintindihan kayo sa nireport ko.

at ang huli..si striker 20 red: ayun paalis na kami ni louanne ng PNU nang nakita namin siya na nakaupo kasama ang isang hindi ko kilalang lalaki at silay nakaupo sa tapat ng osass.

kyaaaaa tatlo!!! tatlo!!! silang nagpakita sa araw na ito. ^___^

nung monday kasi si sarah at masai .. tapos nung tuesday si masai at striker 20… tapos kahapon (thursday) si striker 20 lang. at ngayon wahahaha tatlo sila ^__^ busog pare.. ito ba ung 3 times a charm?…teka diba third times a charm un? wahenk anyway..

ok sama ko rin daw si louanne.. sakanya naman mas nakakagulat kasi nag high siya sa crush nyang si wiki na nag wave din naman at right behind him si kuya g toot naman. o diba san ka pa? tapos nung papunta na kami sa pgh kasi gusto na namin makuha ung pix sa ate ko. ayun nakasalubong namin si kuya d toot na isa pang crush ni louanne. o diba tatlo rin ang nakita niya.

ang araw na ito ay napaka saya at memorable  ^__^

kakatawa rin ung meeting sa english kanina. benta mga kwento ni sir anudin. (pamasko na nya daw un, na hindi kami nag lesson, pero binigay muna niya ung requirements tungkol sa first paper)

"one two three fol" hehehe mahabahabang kwento rin ito… ^___^

ano bitin ba? hehehe

nutcracker-star city-UPAME

Sunday, December 10th, 2006

grabe ang saya saya kahapon ^___^

laging akala namin ni louanne na malelate kami. una ung sa play na nutcracker.. nalipat kasi un ginawang 2 pm. 1:30 na ala pa ung order namin ni lounne eh gutom na talaga kami so ayun nung dumating na… hala sige subo! ayun di rin naman kami na l8 hehehe mga 2:30 na nga nagsimula eh.

pag katapos nun sa star city naman akala namin l8 na kami makakapag rides kasi sobrang haba ng pila… pero ayun tuloy tuloy din ang pasok. una dun sa Hercules ung puro ice figures, tapos sa haunted house na nakalimutan ko na tawag, and finally sa boat ride ng little mermaid.

pagkatapos nun sa kotse ni ate yo ni louanne ayun akala namin hindi na namin maaabutan mag perform ang 7thursday. last pala sila so ayun masaya kasi napanood ko narin sila ng live. first time ko silang mag perform sa RJTV. nakilala ko (ulit) si kuya ron. kasi napakilala na siya sakin dati ni kasan sa megamall. ayun nandun din si ate mic at si krinkle ^^ its been a while since i last attended an anime con. kala ko nga tugtugan lang eh.. kaya nagulat ako nung nakita kong may naka cosplay. nung nakita kami ni beige (ayan kasi ang kanyang "personality" nun) isang malaking TSUGUG with the almost falling effect. kala ko talaga mapapaupo siya. ang ganda ni we-all-know-who … i envy the long hair.. speaking of hair… i also envy those who have dyed their hair..i want to dye my hair mint green… eh midori days ba itoh? oo nga pala meron nanaman kaming nakita ni louanne na hotness ^__^ ung nagcosplay ng ay hindi ko sasabihin baka may kilala dito nun eh .. kyaa pero swear siya ang pinaka cute na nagcosplay nung character na un. actually feeling ko kahit ano naman icosplay niya cute siya eh.. its the face man the face!!

sa mga gustong magbasa ng masmaraming detalye tungkol sa araw na itoh punta nalang kayo sa blog ni louanne ^^

salamat louanne ^__^

dahil wala akong magawa

Wednesday, December 6th, 2006

1.Anong oras na sa pc?

      >> 7:11 … ay 7:12 na…hep mamaya 7:13….yes elmo that is what you call time… ^__^;

2.May tugtog kbang pinapakinggan?
   >>yep .. boku no kimochi ng WaT

3.Nakatulog ka ba kgbi?
   >> yep

4.Tumingin ka sa bintana, ano una mong
nakita?   
   >> ..ung babaeng naka "shhh" sign ..ano ba yan..victoria court yata yan

5.Anu kulay ng pc na gnagamit mo?
   >> dirty white

6.Iniisip mo ba sya?
   >> please be specific.. kung si teppei oo hehe

7.Kung meron kang gustong sapakin
ngaun, cnu un?
   >> wala ngayon…tanungin mo ako mamaya baka meron na

8.Malabo ba mata mo?
   >> kung kilala mo ako hindi mo na tatanungin yan. i wear glasses at 75 ang grado ng both lenses..parang kailangan ko nangang papalitan ng masmataas eh..@_@

9.Do u love music?
   >> songs and composition yes…the subject, um not so thrilled about

10.Pang-ilan ka sa inyong magkakapatid?
   >> pang apat.. bunso ako

11.nawala?
   >> ang karugtong ng tanong mo? parang hehe

12.Ano favorite flower mo?
   >> prairie rose

13. Ano suot mo ngauN?
   >> purple t-shirt and my green pants..oo muka akong talong

14. Anong huli mong ininom?
   >> C2

16.Pet? Kung meron, anu un at name
nya??
   >> patay na sila…mga fighting fish ko…

17.Gusto mo ba classroom nyo?
   >> ung room? madame alin dun?…kung ung class na 1-20 yep i love em

18. Naligo ka na b?
   >> yep

19.Sino crush mo?
   >> ahem … teppei koike, alex band, takeshi yasutoko, codenames: sarah and masai… mark the sacristan, aiba and i’ll stop for now baka makulangan ng espasyo

20.May patay ka bang kuko?
   >> wala they are alive and well…ngak

21.Kanino ka mana, sa nanay o tatay mo?
   >> i think sa nanay ko

22. wala
   >> wala rin

1. ANO ang pabortio mong kulay?
>> green

2. ANO ang tawag sayo sa bahay?
>> roselyn

3. ANO ang paborito mong pagkain?
>> adobo ni lola bading

4. ANO ang paborito mong palabas?
>> gokusen 1 live action

5. ANO ang gusto mong gawin pagkatapos
sagutan ang survey na ito?
>> kumain

-saan-

1. SAAN mo gustong magbakasyon?
>> sa bawat isla ng pilipinas

2.SAAN ka pinanganak?
>> manila

3.SAAN ka madalas pumupunta ngayon?
>> PNU

4.SAAN mo gustong magpakasal?
>> magpapakasal ba ako?

5.SAAN mo gustong mamasyal?
>> sa ulap at kalangitan

pisika at si Masai

Sunday, December 3rd, 2006

mag ingat baka may mabanggit… mag ingat baka may mapahamak. isipin muna ang lahat  baka may pangalan na maisulat.

sige ilalabas ko na ang sama ng loob at kirot sa utak na nangyari matapos ang masayang muling pagkikita namin ni sarah (ahem see previous entry)

ang pinaka kilabot, ang pinaka pinaghahandaan maliban sa reporting sa psych, ang pinaka pinagmumulan ng pagmumugto ng mata…

ANG MAHABANG PAGSUSULIT SA PISIKA *dandandandan*

akala ko handa na ako, hah! akala ko lang. nang masulyapan namin ni louanne ang papel (ang pagsusulit) sa malayuan.. Aba! walang masyadong nakasulat . blangko halos. akala namin puro pagkokompyut lang ang gagawin…ahem…akala lang namin. ng makarating na sa akin ang papel. Hala!halos blangko nga! ikaw magsusulat ng lahat ng sagot. hard core enumeration. kulang nalang pati mga tanong ikaw narin ang gumawa. utak ko piniga parang trapong tuyo. malubha ang kalagayan ng pagsusulit kong iyon. basta honest score naman.

hay ano kayang pasing score niya? kung kay sir billy ay 50% dapat kay sir physics ay 25% lang. ibang iba silang dalawa. worlds apart talaga. pero hindi ko pala dapat ikumpara kasi magkaiba naman sila ng tinuturo.

waaa miss ko na si sir bau! heto nanaman ang mga panahon na gusto kong bumalik sa pagiging  4th year high school. pwede bang mag sit in sa klase ni sir bau sa spcp? de best ang mga drawing niya sa physics. best moderator din ng arts club! waaa miss ko na ang smiling face na minsan ring napaiyak ng classroom ko. sumimasen (apology without end)

kung gusto niyong makita ang tinutukoy kong si sir bau puntahan ninyo ang friendster friends ko at hanapin si nitz. isya un. hahahaha inadvertize pala. fan girl ako nito but not in a freakishly anime type okay?

oo nga pala meron akong bagong prospect crush.. kaso hindi ko pa magawang ilabas diro ang kanyang identity kasi kyaaaaaaa shy pa me *wahenk… nahulog sa upuan* basta mapalad ang onting nakakaalam. baka sa end of january ko pa masasabi dito… o take note..january…may significance yan . *wink wink* basta ang code name namin sa kanya ay Masai … okay un lang muna weeeeee heeeheee..importante yun "ma" sa masai…clue din un hwahehehe

sarah

Saturday, December 2nd, 2006

hay naalala ko nanaman ang kanyang maamong muka. laging nakangiti kaya minsan na lang ,makita ang mga mata. buhok na pinapanatiling nakataas parang korona ng aking haring ahem… bakla.

sarah (ang aming binigay na code name dahil favorite niya si sarah geronimo…hay kaapilido ko pa..sana ako nalang) muli nanaman kitang nasilayan. pilit kong pinapaalala sa aking sarili na hindi babae ang napupusuan mo dahil ang puso mo ay pang babae rin. ngunit bakit? bakit mo winaglit? ipinagkaila ang ahem maganda mong muka sa mga babaeng katulad ko na naghahanap ng mukang ganyan. marami na…marami..na..ngunit kaparehas mo sila ay …bading pala…

oh woe ..woe is me..

sige aaminin ko na sa lahat dahil alam narin naman ng karamihan. ang tipo kong lalaki ay yung effeminate (ang labo no? lalaki nga pero effem) tapos maputi, singkit,di gaano katangkad at ang katawan ay hindi payatot hindi rin naman macho (in short si teppei koike na un) ngunit sarah, napansin mo bang parang ikaw din yung dinidiscribe ko?

sa mga wala noon…nakita ko siya muli nung ikadalawamput walo ng nobyembre bago ang pamatay na mahabang pagsusulit sa pisika. siya ay pababa ng hagdan kasama ang kanyang mga kaibigan habang ako pati narin ang aking mga kamagaral ay dumaan sa nasabing hagdan. napatingin ako at napatigil. hala sige nagslow mo ang paligid at hindi ko man lang nasabi sa mga kaibigan ko ng tama na ikaw un. alam na nila, sa muka ko palang. hay salamat aking mga kaibigan at nauunawaan niyo ako.

naaalala kong muli nung isang araw at nagkasabay kami sa elevator ng library. hwooh inintay ko talagang makapasok muna yung ibang tao para makatabi ko siya. o bakit ba naman apat na palapag lang meron ang library?… o sandali lang tayo nag katabi. ala telenobela ngunit walang nangyari. haay…

ah! sana’y naaalala mo pa nung una kitang nakita at nakausap. nahulog na ako kagad sa muka mong "kawaii" ngunit nabasag ang puso ko ng magsalita ka na dahil nga … bakla. para sa english subject naminkinakailangan naming maginterview bigla. nilapitan ko si sarah dahil muka siyang mabait. dun sa unang tanong ko nalaman ang pangalan niya. o napaka relihiyoso ng mga magulang niya. sa pangalawang tanong medjo nalito. dahil ang aking nasabi ay "And waht is your age?" (sinisisikita, muka mo kasi) sabi mo "What is my age? baka how old are you?" oo sige tinanggap ko ang "correction" mo pero tama rin naman ang sinabi ko, weird nga lang pakinggan.

haaay bakit ba kasi tumagilid siya? bakit ba lahat ng type ko tumatagilid? sana kung hanggang effeminate lang eh, pero siguro dahil alam nilang maganda sila,tinutuloy na nila at pinaninindigan ang pagiging baing. tanggap ko naman na ganyan ka sarah..kahit masakit…ouch naman talaga noh.  *isang mahabang buntong hininga*