pisika at si Masai
mag ingat baka may mabanggit… mag ingat baka may mapahamak. isipin muna ang lahat baka may pangalan na maisulat.
sige ilalabas ko na ang sama ng loob at kirot sa utak na nangyari matapos ang masayang muling pagkikita namin ni sarah (ahem see previous entry)
ang pinaka kilabot, ang pinaka pinaghahandaan maliban sa reporting sa psych, ang pinaka pinagmumulan ng pagmumugto ng mata…
ANG MAHABANG PAGSUSULIT SA PISIKA *dandandandan*
akala ko handa na ako, hah! akala ko lang. nang masulyapan namin ni louanne ang papel (ang pagsusulit) sa malayuan.. Aba! walang masyadong nakasulat . blangko halos. akala namin puro pagkokompyut lang ang gagawin…ahem…akala lang namin. ng makarating na sa akin ang papel. Hala!halos blangko nga! ikaw magsusulat ng lahat ng sagot. hard core enumeration. kulang nalang pati mga tanong ikaw narin ang gumawa. utak ko piniga parang trapong tuyo. malubha ang kalagayan ng pagsusulit kong iyon. basta honest score naman.
hay ano kayang pasing score niya? kung kay sir billy ay 50% dapat kay sir physics ay 25% lang. ibang iba silang dalawa. worlds apart talaga. pero hindi ko pala dapat ikumpara kasi magkaiba naman sila ng tinuturo.
waaa miss ko na si sir bau! heto nanaman ang mga panahon na gusto kong bumalik sa pagiging 4th year high school. pwede bang mag sit in sa klase ni sir bau sa spcp? de best ang mga drawing niya sa physics. best moderator din ng arts club! waaa miss ko na ang smiling face na minsan ring napaiyak ng classroom ko. sumimasen (apology without end)
kung gusto niyong makita ang tinutukoy kong si sir bau puntahan ninyo ang friendster friends ko at hanapin si nitz. isya un. hahahaha inadvertize pala. fan girl ako nito but not in a freakishly anime type okay?
oo nga pala meron akong bagong prospect crush.. kaso hindi ko pa magawang ilabas diro ang kanyang identity kasi kyaaaaaaa shy pa me *wahenk… nahulog sa upuan* basta mapalad ang onting nakakaalam. baka sa end of january ko pa masasabi dito… o take note..january…may significance yan . *wink wink* basta ang code name namin sa kanya ay Masai … okay un lang muna weeeeee heeeheee..importante yun "ma" sa masai…clue din un hwahehehe
December 3rd, 2006 at 12:27 am
WAH BINITIN MO NA MAN KAMI EHHHH
I miss sir bau too~
December 3rd, 2006 at 12:33 am
HWUAHAHAHAA gomen gomen hindi ko pa talaga magawang ikwento siya.. kyaaaaaaaaaaaa
December 3rd, 2006 at 8:54 am
pinag uusapan niyo ba si sir Borja?…share ko lang comment ko sa kanya…
i heard caught n’ caught from his previous student na nakakadugo siya ng bungo kung magpaexam….
December 3rd, 2006 at 11:01 pm
Ahem..
Pwede ko bang iguess kung sino si Sai???hehe..
kala di ko pa alam.
oo nga eh..kahit ako nawindang sa kanyang exam…
Ay di ko pala pwedeng sabihin kasi baka ako naman ang bukingin mo..
December 3rd, 2006 at 11:03 pm
saka…
sir.bau..
nako..kahit nakakawindang ang physics..namimiss ko na rin siya.
Siya kasi yung isa sa mga matiyangang naturo sa batch natin kahit sobrang pasaway tayo
kaya labs na labs natin siya..:)
December 4th, 2006 at 8:02 pm
hala nickson! wahahaha totoo dumugo utak ko waaah!
oo nga pala sir borja nga pala pangalan nun..hehe di pa memorize hanggang ngayon…gaya dati si sir billy tawag ko dun sir bio eh hwahaha