pwede
haay kakatawa at creepy ang araw na itoh
sabay kami ni louanne nag paregister para dun sa voter’s id. weird ka eh kasi dapat si louanne sa san mateo yan, eh since may bahay naman sila dito sa pasig at dito nakaregister ung mom niya and siblings dito narin siya sa pasig boboto. kasama namin ang aming mga maders ^^ . nauna ako kay louanne mag fill up ng form at magsubmit. siguro 20 mins bago sila dumating kasi un. kaso nung nagiintay kaming tawagin ayun nauna pa siya. huwat?! nung tinanong namin kung bakit ganun sabi daw kasi may precinct number na si louanne kasi dala ng mom niya ung voter’s id (nung mom niya) so ayun buti nalang dala ni mama ung copy ng voter’s id ng ate ko so ako na ung sunod hehehe. kakaaliw kasi ung scanner ng fingerprints dun wahehehe. tapos nung pipicturan ako aba tatlong beses. kasi ung una hindi na iadjust nung babae dun. ung pangalawa muka akong bangag kaya hinayaang ulitin (also because nandun ung nanay ko sa likod..natakot yata ung babae dun ehehe) ayun so dun sa pangatlo ayan todo smile naman ^___^ wahehehe. so ngayon feel na feel ko na ang aking pagiging 18 kasi pwede na akong mag vote ^__^ syempre kikilatisin ko muna ung lahat ng candidates para responsible voter akish
ngayon akoy nandito sa internet cafe na malapit samin at si louanne nasa megamall (kanikanina) at aming natuklasan ang isang creeping bagay. may gumamit ng picture ko sa isang account sa friendster. ang pangalan niya ay kapoint. ang theory ko: nagtry gumawa ng friendster account si mr. kapoint at nagamit niya ung comp na pinagsave-an ko ng pics bago ko iupload (sa aking sariling account) at dahil wala siyang sariling pic niya, ayun hiniram ang aking mukha. aba namili pa! hindi ung unang pic dun eh, medjo gitna pa nga ung pic na ginamit niya eh >.< … basta buburahin ko na ung pics dun sa comp na un.
oo nga pala ang kinababaliwan ko ngayon ay ang koreanovela na Princess Hours weeee kilig mode ulit ^__^ at least medjo may konting fresh ideas dito. anu ba un ok lang dun sa prince ung idea na fixed marriage. kasi daw boring daw ang kanyang buhay kaya siguro magiging masaya kung magpapakasal siya sa isang babaeng hindi nababagay sa palace..someone who has lived in a totally different background.