sarah

hay naalala ko nanaman ang kanyang maamong muka. laging nakangiti kaya minsan na lang ,makita ang mga mata. buhok na pinapanatiling nakataas parang korona ng aking haring ahem… bakla.

sarah (ang aming binigay na code name dahil favorite niya si sarah geronimo…hay kaapilido ko pa..sana ako nalang) muli nanaman kitang nasilayan. pilit kong pinapaalala sa aking sarili na hindi babae ang napupusuan mo dahil ang puso mo ay pang babae rin. ngunit bakit? bakit mo winaglit? ipinagkaila ang ahem maganda mong muka sa mga babaeng katulad ko na naghahanap ng mukang ganyan. marami na…marami..na..ngunit kaparehas mo sila ay …bading pala…

oh woe ..woe is me..

sige aaminin ko na sa lahat dahil alam narin naman ng karamihan. ang tipo kong lalaki ay yung effeminate (ang labo no? lalaki nga pero effem) tapos maputi, singkit,di gaano katangkad at ang katawan ay hindi payatot hindi rin naman macho (in short si teppei koike na un) ngunit sarah, napansin mo bang parang ikaw din yung dinidiscribe ko?

sa mga wala noon…nakita ko siya muli nung ikadalawamput walo ng nobyembre bago ang pamatay na mahabang pagsusulit sa pisika. siya ay pababa ng hagdan kasama ang kanyang mga kaibigan habang ako pati narin ang aking mga kamagaral ay dumaan sa nasabing hagdan. napatingin ako at napatigil. hala sige nagslow mo ang paligid at hindi ko man lang nasabi sa mga kaibigan ko ng tama na ikaw un. alam na nila, sa muka ko palang. hay salamat aking mga kaibigan at nauunawaan niyo ako.

naaalala kong muli nung isang araw at nagkasabay kami sa elevator ng library. hwooh inintay ko talagang makapasok muna yung ibang tao para makatabi ko siya. o bakit ba naman apat na palapag lang meron ang library?… o sandali lang tayo nag katabi. ala telenobela ngunit walang nangyari. haay…

ah! sana’y naaalala mo pa nung una kitang nakita at nakausap. nahulog na ako kagad sa muka mong "kawaii" ngunit nabasag ang puso ko ng magsalita ka na dahil nga … bakla. para sa english subject naminkinakailangan naming maginterview bigla. nilapitan ko si sarah dahil muka siyang mabait. dun sa unang tanong ko nalaman ang pangalan niya. o napaka relihiyoso ng mga magulang niya. sa pangalawang tanong medjo nalito. dahil ang aking nasabi ay "And waht is your age?" (sinisisikita, muka mo kasi) sabi mo "What is my age? baka how old are you?" oo sige tinanggap ko ang "correction" mo pero tama rin naman ang sinabi ko, weird nga lang pakinggan.

haaay bakit ba kasi tumagilid siya? bakit ba lahat ng type ko tumatagilid? sana kung hanggang effeminate lang eh, pero siguro dahil alam nilang maganda sila,tinutuloy na nila at pinaninindigan ang pagiging baing. tanggap ko naman na ganyan ka sarah..kahit masakit…ouch naman talaga noh.  *isang mahabang buntong hininga*

11 Responses to “sarah”

  1. 'riza-jiro' Says:

    dear sarah~

    wah elmo na windang ako at akala ko babae~
    wah woe is us! bat ganun~ parehas lang tayo sa swerte sa “lalaki” XD

  2. 'riza-jiro' Says:

    ah! sana’y naaalala mo pa nung una kitang nakita at nakausap. nahulog na ako kagad sa muka mong “kawaii” ngunit nabasag ang puso ko ng magsalita ka na dahil nga … bakla. para sa english subject –> oh dear elmo di ko kinaya! XDD waaaaah i feel for you elmo~

  3. elmo Says:

    hwahahaha im ill fated..its really killing me… hep meron din akong isa pang slight crush na bading din ..talentado rin sa sports gaya ni striker 20 at bading din parang si sarah.. kaso na turn off ako nung nakita kong nagsmoke siya..

  4. Louanne Says:

    elmo..
    nawindang ako.
    as in NAWINDANG!!!
    di ko aakalain na ganyan ka pala kapag ika’y inspirado.
    Naalala mo pa ba nung tayo’y umakyat sa ikatlong palapag ng silid aklatan. Ika’y nagulat nang makita mo ang kanyang mukha na sumulpot bigla..
    at yung oras na nagkasabay tayo sa elevator kasama ang kanyang friends..hehe..siguro nilubos mo iyon dahil pakiramdam ko nasisinghot ko na ang nilalabas niyang Carbon Dioxide..XD

    Oh well.
    as least parehas tayong inspirado..
    huwag kang magalala nakakarelate ako..
    AKO pa..
    gumuho rin ang mundo ko nung nalaman ko na badinger pala ang aking unang crush sa PNU..:)
    Sana maging inspirasyon mo siya in a positive way..

  5. Louanne Says:

    koreksyon pala..
    4th floor pala yon di pala third floor..XD

  6. elmo Says:

    oo nga si kuya tooot ung unang crush mo diba? hwahehe

  7. Louanne Says:

    Si kuya toot..
    hay nako..
    di ko na siya nakikita sa PNU eh..
    di naman halata na crush ko siya noh.
    MEDYO lang..
    naalala mo pa ba yung pinasign niyo sa kanya ynug card ko..
    nako..
    ano kaya inisip niya yung oras na iyon..XD
    Ayaw ko nang isipin..

  8. elmo Says:

    wala yun..magaling kang mag tago ng feelings eh at walang masyadong nang bubuking…nung third year lang tayo kay sir ahem…kyaaa naalala ko nanaman si striker 20 kahapon nung naglalaro tayo sa field tapos bigla siyang lumitaw sa harap ko pa…napatigil talaga ako nun…tapos kayo naman kanchawan/cheer gyaaaah …woot first time ko talaga siyang nakita na naka “uniform” na white polo..totoo

  9. Louanne Says:

    so elmo..
    sino na bang mas matimbang diyan sa puso mo???
    kasi naman kahapon ay ang 20strikerred day…
    pero naiintindihan kita sa sitwasyon mo ngayon..kasi ganyan rin ako..XD
    +++
    hay..naalala ko yung si sir.ahem (3rd year) yung nakatitig lang ako sa mukha niya..pero wala lang iyon..yung wala akong iniisip kaya medyo dreamy look pa ako tapos biglang sabi ni sir ahem..”LOUANNE.why are you smiling??” grabe.SAPUL.di ko alam ang isasagot ko..don ko lang naramdaman na 1 segundo ay biglang namula ang buong mukha ko..nakakahiya..XD

  10. elmo Says:

    pinaka matimbang si teppei sa puso ko pero kung sa PNU lang hmm… si ano…si…umm… teka hindi ko alam eh hehehe…sa ngayon si masai at si sarah ay mas matimbang kay striker 20. pero kung dun sa dalawa hmm parang pantay lang… kaso nakakafrustrate kapag nagtatapos ang araw ng walang silay.

  11. elmo Says:

    sarah.. ayoko na. tamana ikaw bading ka pinahihirapan mo ko.. akala ko tapos na ang epekto mo sakin..ngunit bakit.. bakit… ARGH… hindi pa ba ako nakakamove on?… ikaw lang ang bading na nakagawa sakin nito… at ang malala pa niyan.. hindi mo alam ang epekto mo saakin…

Leave a Reply